19
abante-tnt-vismin-hostage
By

2 pulis na napalaya sa Abu Sayyaf, ihaharap kay Duterte

Sharing is caring!

Makikipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City bukas ang dalawang pulis na napalaya sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Sulu.

Dinuko ang dalawang pulis na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad ng mga bandido noong Abril 29 sa Patikul, Sulu at binihag ng mahigit kalahating buwan.

Galing umano sa Camp Teodulfo Bautista ang dalawang pulis at sakay ng tricycle nang dukutin ng Abu Sayyaf.

Isang Mujir Yada ang sinasabing lider ng mga bandido na responsable sa pagdukot sa dalawang pulis.

Sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go na iti-turnover ang mga napalayang bihag kay Pangulong Duterte ng mga kilalang lider ng Sulu na sina dating Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari at Sulu Governor Abdusakur Tan.

Wala aniyang ransom na ibinayad sa kidnappers dahil sa “no ransom” policy ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?