128
1K preso sa NBP namamatay kada taon dahil sa iba’t ibang sakit
Oct 25, 2019 @ 21:23
By

2 pulis na may pakana sa tabako, alak sa bilibid, tukoy na

Nadagdagan pa ng dalawang tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang nasa ‘hot water’ makaraang tukuyin na mga nag-utos na magpasok ng alak at ‘cigar’ o tabako sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Tumanggi naman si NCRPO Director Police Brig. Gen Debold Sinas na pangalanan ang dalawang pulis na may ranggong P/Staff Sergeat at P/Corporal.

Ipinatawag na ang dalawa at isinasailalim na sa kaukulang imbestigasyon.

Nadiskubre ang kaugnayan ng dalawa makaraang ituro sila ng dalawang pulis na nakuhanan ng alak na inilagay sa isang bote ng “iced green tea” at nakumpiskahan ng 60 piraso ng tabako.

Ang dalawang pulis na mas senior ang nag-utos umano na magpasok ng mga kontrabando.

“Initially ‘yung isa, ‘yung nagdala ng C2 na alak, ang sabi niya, dinala daw po ‘yung alak na ‘yun dahil inutusan siya ng kasama niya na senior,” ani ni Sinas.

“Yung nagdala ng sigarilyo, iba naman ang nag-utos noon. Ang sinabi niya. Inutusan daw siya dalhin ‘yung package na ‘yun sa loob,” dagdag pa ng opisyal.

Iginiit ng heneral na hindi maaaring i-alibi ng mga pulis na pang-personal nilang gamit ang alak na mahigpit na ipinagbabawal sa PNP at ang mga tabako dahil sa dami nito.

Maaaring maharap sa kasong ‘grave misconduct’ ang dalawang pulis na posibleng masibak sa pagkapulis kapag napatunayan ang kanilang pagkakasala.

Samantala, hinihintay pa naman ng NCRPO ang resulta ng pagsusuri ng PNP Cybercrime Unit sa mga cellular phones ng 16 pang pulis na nahulihan ng telepono habang nasa formation sa labas ng Bilibid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?