36
ABANTE arestado retired police arrested jail crime
By

2 pulis-Maynila arestado sa tupada

Sharing is caring!

Inaresto ang dalawang Manila policemen dahil sa pagpapatakbo ng iligal na tupada.

Nag-ugat ang pag-aresto kina PO2 Melchor Raiws at PO2 Emerson Frutas, kapwa nakatalaga sa Police Station 1 ng Manila Police District, dahil sa reklamo ng mga opisyal ng barangay sa dalawang pulis na protektor at operators umano ng iligal na sabong sa kanilang lugar.

Ayon kay Senior Supt. Romeo Caramat, lider ng Counter-Intelligence Task Force (CITF), nagdudulot umano ng kaguluhan sa Tondo at iba pang krimen sa barangay ang nasabing tupada.

Nakasuot pa umano ng uniporme si Frutas nang maaresto.

Nakumpiska sa lugar ang isang kalibre .45 at 9mm pistol, dalawang manok panabong, dalawang tari at ang P15,000 na bet money.

Dinala na ang dalawang nahuling pulis at limang sibilyan sa CITF office sa Camp Crame sa Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?