98

Dec 26, 2017 @ 12:02
By

2 pulis huli sa indiscriminate firing

Mahaharap sa mga kasong kriminal at mabibigat ng kasong administratibo ang dalawang pulis na inaresto dahil sa pagpapaputok ng baril noong bisperas at mismong araw ng Pasko.

Base sa ulat na nakarating kay NCRPO chief, Police Director Oscar Albayalde kamakalawa ng umaga nang arestuhin sa Barangay Santolan, Pasig City su PO1 Arnold Sabillo Jr.

Nakatalaga sa Montalban Police Station sa Rizal si Sabillo.

Samantala, naaresto naman sa Tondo, Maynila si PO1 Jay Allan Pagulayan.

Kinumpiska na ang .9mm service firearms ng dalawang pulis.

Ayon kay Albayalde, kasong illegal discharge of firearms ang ikakasa laban sa dalawang pulis at kasabay nito ay sasalang sila sa summary hearing para naman sa mga kasong administratibo.

Una nang nagbigay babala si PNP Chief Ronald dela Rosa sa kanyang mga tauhan na titiyakin niyang mapapatawan ng mabigat na parusa ang mga magpapaputok ng baril ngayon Kapaskuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?