By

2 pulis dinukot ng NPA sa Surigao

Sharing is caring!

Dinukot ng hinihinalang miyembro ng New Peoples Army ang dalawang pulis sa Surigao Del Norte Martes ng tanghali.

Ang dalawang pulis ay nakatalaga sa Placer Municipal Police Station na hindi pa pinangalanan pa ng PNP.

Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Spokesman Major Ezra balagtey ala-1:35 ng tanghali kahapon habang naka-duty ang dalawang pulis sa may bahagi ng Bad-as Public market Placer Surigao Del Sur nang sapilitan silang tangayin ng nasa 20 miyembro ng New Peoples Army.

Agad na tumakas ang mga armadong rebelde sa di matukoy na direksyon bitbit ang dalawang pulis.

Nagpapatuloy ang pagtugis ng militar at pulisya laban sa mga suspek sa pagdukot. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?