129

Mar 9, 2020 @ 18:46
By

2 pro-admin senator nagtarayan

Namuo ang tensiyon sa pagitan nina Senador Imee Marcos at Pia Cayetano ngayong Lunes

Tinalakay kasi ni Marcos sa pagdinig ng kanyang economic affairs committee, Marso 9, ang ilang probisyon sa Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) o Senate Bill No. 1357 na inakda at pinagtatanggol na ni Cayetano.

Hayag ni Cayetano: “Have we changed our rules? Are we allowed to have another committee conduct a hearing on exactly the same subject matter in another hearing without even informing the chair, even on a personal level?”

Depensa naman ni Marcos, malawak ang mga paksang sakop ng kanyang komite kaya natalakay ang CITIRA.

Giniit din ng senador na bahagi ang CITIRA sa tinuturing ng business community na “triple whammy” ng ekonomiya ng ‘Pinas.

“So bakit ako nag-aaksaya ng panahon ko kung may iba palang maghi-hearing? I can very well focus on something else, Mr. President, I am happy to do so; I just do not want to waste my time and this body’s time,” sagot naman ni Cayetano.

Dumistansya ang dalawa at kinausap ng kanilang mga kapwa senador.

Opinyon naman ni Senator Majority Leader Juan Miguel Zubiri, dahil sa due courtesy, hindi na ginagawa ang overlapping para ‘di madoble ang talakayan sa mga paksa na dinidinig ng Senado.

Sa dulo, humingi ng tawad si Marcos kay Cayetano, na tinanggap naman ng huli.

Aminado man si Marcos na nasagasaan niya ang komite ng ilang senador, maging ang komite ni Cayetano, giniit niyang hindi niya intensyon na angkinin ang komite ng huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?