79

Jan 21, 2021 @ 9:45
By

2 police officer sa Dacera case pinasisibak ni Sinas

Pinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas ang pagtanggal sa puwesto ng hepe ng Makati City police at ng medico-legal officer ng Southern Police District (SPD) dahil sa umano’y kamalian ng mga ito sa paghawak sa kaso ng pagpanaw ni flight attendant Christine Dacera.

Sabi pa ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana, sa isang ulat, una nang inanunsiyo ni Sinas ang pag-apruba nito sa rekomendasiyon ng Directorate for Investigation and Detective Management na sibakin sina Makati City police chief Col. Harold Depositar, SPD medicolegal officer PMaj. Michael Nick Sarmiento, at ng mga imbestigador ng pulis Makati habang hindi pa tapos ang admin investigation ng kanilang lapses.

Pero punto ni Usana, si National Capital Region Police Office chief Brigadier General Vicente Danao Jr. ang magpapasya kung ipatutupad nito ang relief order ni Sinas.

Samantala, naghain din ang pamilya Dacera ng reklamo laban kay Sarmiento dahil sa umano’y direktang pag-embalsamo sa labi ni Christine at pagsasagawa ng medicolegal examination at pagkuha ng forensic samples mula sa 23-anyos na babae kahit walang pahintulot ng pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?