126
3 patay sa Laguna ambush, sanggol sugatan
Feb 27, 2019 @ 13:10
By

2 police escort nang napaslang na gunrunner, iimbestigahan

Inaalam na ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang posibleng pananagutan ng dalawang tauhan nito na nagsilbing escort sa dalawang gun for hire na napatay Martes ng hapon habang sakay ng police mobile.

Ayon kay PS/Insp. Phillip Ines, tagapagsalita ng MPD Station 4, Sa ngayon pinagpahinga muna nila sina PO1 Joven Miguel na nagsilbing driver ng mobile at PO2 Mark De Lima.

Sinabi ni Ines na na-trauma ang dalawang pulis nang harangin ito ng mga armadong lalaki at dis-armahan sa Lacson Avenue alas-4:30 ng hapon.

Bukas naman ang MPD Station 4 sa imbestigasyon sa kanilang mga tauhan kung anong posibleng pananagutan ng mga ito.

Natangay sa dalawang pulis ang kanilang 9 mm glock service pistol.

Sa ngayon, nasa MPD headquarters na ang mobile na pinagbabaril ng mga suspek.

Sakay nito ang mga selfe-confessed hitmen na sina Apolonio Flores, 37, at Prince Patrick Cortez, 32, na inaresto noong Lunes sa kasong Illegal possession of firearms at ikinulong sa Manila Police District Station 4.

Pabalik na sana ng presinto sina Flores at Cortez matapos sumailalim sa inquest proceedings nang tambangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?