24

Apr 3, 2021 @ 15:51
By

2 POGO worker hinuli sa curfew, buking sa droga, baril

Arestado ang dalawang Chinese na empleyado umano ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) matapos makumpiskahan ng baril at iligal na droga nang hulihin sila dahil sa paglabag sa curfew hours nitong Sabado sa Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Li Yanchi, 25; at Sun Shihao, 26, kapwa naninirahan sa Sunrise Drive sa Pasay City.

Hinuli ang mga suspek bandang ala-1:30 ng madaling-araw sa Sunrise Drive sa Mall of Asia Complex.

Ayon sa ulat, tumakbo ang mga suspek kaya hinabol ng mga pulis at nang kapkapan ay nadiskubreng may dala pa lang shabu at baril ang mga ito.

Narekober kina Yanchi at Shihao ang may P44,000 halaga ng shabu; dalawang improvised tube at isang kalibre .9mm pistol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?