44

Apr 1, 2020 @ 11:10
By

2 player na tinamaan ng COVID-19, lalaro ulit sa NBA

Sa Biyernes ay magsisimula na muli ang ‘liga’ sa NBA, kung saan kasali ang dalawang player na nagpositibo sa COVID-19.

Ngunit hindi naman dapat mangamba ang mga NBA fan dahil video game lang ang sasalangan nina Kevin Durant at Donovan Mitchell sa larong NBA 2K, kung saan ieere ang kanilang laban sa ESPN.

Makakasama ng dalawa sa 10-day tournament sina: Trae Young (Atlanta Hawks), Chester native Derrick Jones (Miami Heat), Devin Booker and Deandre Ayton (Phoenix Suns), free agent DeMarcus Cousins, Harrison Barnes (Sacramento Kings), Hassan Whiteside (Portland Trail Blazers), Pat Beverley and Montrezl Harrell (Los Angeles Clippers), Rui Hachimura (Washington Wizards), Michael Porter (Denver Nuggets), Andre Drummond (Cleveland Cavaliers), Zach LaVine (Chicago Bulls), at Domantas Sabonis (Indiana Pacers).

Matatandaan na sinuspende ang liga matapos magpositibo ang Utah Jazz center na si Rudy Gobert sa naturang virus, na sinundan ng kakampi niyang si Mitchell.

Ilan pang manlalaro ang nagpositibo sa virus tulad ni Marcus Smart ng Boston Celtics, Christian Wood ng Detroit Pistons, at dalawang manlalaro sa Los Angeles Lakers na hindi pinangalanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?