201

Nov 6, 2021 @ 15:54
By

2 Pinoy team pasok sa Mobile Legends championship

Dalawang team mula sa Pilipinas ang makikipagtagisan ng galing sa ikatlong installment ng Mobile Legends: Bang Bang World Championship o M3 World Championship sa Singapore sa susunod na buwan.

Makakatunggali ng Blacklist International at Onic PH ang 14 iba pang team mula sa Asia, Europe, Brazil at North America para sa tumataginting na premyong $800,000 at titulo bilang “World’s Best Mobile Legends Team”.

Gaganapin ang tournament mula December 6 hanggang December 19.

Napasama ang Blacklist International sa Group A kung saan makakaharap nila ang MPL Brazil champs Red Canids, Malvinas Gaming ng Latin America at Bedel ng Turkey.

Nasa Group B naman o tinaguriang “Group of Death” ang Onic PH na makakabangga ang mga powerhouse na MPL Indonesia champs Onic Esports, MPL – Malaysia runners-up Todak at MPL Brazil runners-up VIVO Keyd.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?