21

Jul 21, 2021 @ 21:22
By

2 Pinoy sa Myanmar dedo sa COVID

Dalawang Pilipino sa Myanmar ang pumanaw dahil sa COVID-19.

Ayon kay Philippine Ambassador to Myanmar Eduardo Kapunan, lumalala ang sitwasyon ng COVID sa Myanmar dahil sa problema sa bakuna.

“Ang problema ng Myanmar ngayon walang vaccination nangyayari. Another thing is medical services in Myanmar almost collapsing,” lahad ni Kapunan.

“In fact, kung mayroon kang symptoms… pauuwiin ka na lang sa bahay mo,” dagdag niya.

Aniya, may sampung Pilipino sa ngayon ang may sakit dulot ng COVID-19 sa Myanmar.

Target nila ngayon na makumbinsi ang mga Pilipino roon na magpa-repatriate pabalik sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?