62

Feb 22, 2020 @ 14:33
By

2 Pinoy sa Japan cruise ship, gumaling sa coronavirus

Lima pang Pinoy ang nadagdag sa listahan ng nagkaroon ng coronavirus disease sa Diamond Princess cruise na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Dahil dito’y umakyat ang bilang ng may COVID-19 na Pinoy sa Japan sa 49, ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay sa kanyang tweet.

“Since the Dream Princess cruise Covid-19 saga began, 49 Filipinos have tested positive for the coronavirus. All infected Filipinos were cared for in Japanese hospitals,” ayon kay Dulay.

Aniya pa, dalawa naman ang nakalabas na nang ospital matapos tuluyang gumaling sa COVID-19.

Sa ngayon ay gumagawa na nang hakbang ang gobyerno ng Pilipinas para mapabalik sa bansa ang mga Pinoy na hindi nahawaan ng nasabing virus.

Sumatotal ay nasa 531 ang crew member at pitong pasahero ang nasa cruise ship, at papabalikin ang mga walang sintomas ng COVID-19 sa Pilipinas.

Inaasahang nasa 460 hanggang 480 ang pabalikin sa bansa, ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?