221

Jan 6, 2022 @ 22:20
By

2 Pinoy sa Abu Dhabi hinatulang mabitay

Parusang kamatayan ang hinatol ng isang korte sa Abu Dhabi para sa dalawang Pilipino na nagtulak ng droga sa naturang bansa.

Ayon sa ulat, noong January 4, 2022 ibinaba ang hatol ng Abu Dhabi Criminal Court laban sa dalawang Pinoy, na naaresto sa kanilang bahay.

Mga miyembro umano ng tinatawag na “WhatsApp” drug organized overseas criminal group ang mga ito.

Sa pamamagitan ng Whatsapp, ipinadadala ng dalawang lalaki ang lokasyon at larawan ng mga ibinebentang iligal na droga para makuha ng mga kliyente.

Mula sa bentahan, paghahati hanggang sa pag-deliver ng mga droga ang trabaho ng dalawang Pinoy.

Ang mga droga umanong tinutulak nila ay nagmumula pa sa labas ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?