2 Pinoy, Hapon inaresto sa kidnapping

Sharing is caring!

Dinakip ng mga pulis ang tatlong lalaki, kabilang ang isang Japanese national, dahil sa pangingidnap ng turista noong nakaraang buwan.

Nasagip ng mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (AKG) noong Abril 5 ang biktimang si Yuji Nakajima, 32, ng Tokyo, sa isang bahay sa Plaridel, Bulacan.

Nadakip naman sa magkahiwalay na operasyon sa mga siyudad ng Pasig at Parañaque ang mga dumukot sa biktima na magkapatid na sina Roberto at Reggie Reyes, at ang Hapones na si Miyashita Takashi.

Ayon sa ulat, inutos umano ng ka-partner sa negosyo ni Nakajima na si Yusuke Obara, isa ring Hapones, ang pagdukot sa biktima.

Kasalukuyan nang hinahanting si Obara sa Japan habang pinaghahanap din ang dalawa pang Pinoy na sangkot din sa pagdukot kay Nakajima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?