21

Sep 26, 2021 @ 16:53
By

2 Pinoy figure skater sawi maka-Olympics

Hindi pinalad na makapasok sa 2022 Winter Olympics ang mga figure skater na sina Edrian Celestino at Sofia Frank matapos kapusin sa Nebelhorn Trophy sa Germany.

Tumapos si Celestino ng pang-18 sa 30 kalahok sa nakuhang 176.10 points. Pito lamang sa kanyang kompetisyon ang aabante sa Olympics.

Samantala, si Frank ay pang-24 sa 37 kalahok sa kanyang 128.78 points.

Bagamat ‘di makakapasok sa Olympics, pasok naman ang iskor ng dalawa sa Four Continents Figure Skating Championships.

Bigo rin silang masundan ang yapak ng kapwa Pinoy figure skater na si Michael Christian Martinez, na hindi nakasali sa Nebelhorn dahil sa injury. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?