43

Mar 10, 2020 @ 17:46
By

2 Pinay boxer ligwak sa Tokyo Olympics

Sabay na minalas.

Naunsyami ang plano ng dalawang boksingerong Pinay na makaapak sana sa 2020 Tokyo Olympics nang pareho silang matalo sa pakikipagbakbakan sa Amman, Jordan.

Unang na-olat si Nesthy Petecio nang ‘di umubra ang tikas nito sa Haponesang si Sena Irire sa Olympic qualifiers ng women’s featherwieght fight. Talo ang Pinay boxer via split decision.

Gayunman ay ‘di pa ito ang katapusan ng kanyang karera dahil nakatakda pang sumabak sa Paris, France sa buwan ng Mayo si Petecio para naman sa World Olympic Qualifying Tournament.

Laylay din ang balikat ni Filipina boxer Irish Magno dahil bigo itong makapulot ng slot sa Tokyo Olympics.

Nanaig ang lakas ng katunggali niyang Indiana na si Mary Kom.

Nagtapos ang banatan nila sa unanimous decision sa quarterfinals ng women’s flyweight division ng Asia and Oceana Olympic Qualifying Tournament.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?