93
2 ‘persons of interest’ sa pagpatay sa PDEA agent
By

2 ‘persons of interest’ sa pagpatay sa PDEA agent

Dalawang “persons of interest” ang tinitingnan sa pagpaslang sa isang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent sa Camarines Sur, gabi ng Pebrero 18.

Naniniwala umano ang PDEA na may kaugnayan sa sindikato ng droga ang brutal na pumatay kay Agent Enrico Barba.

Nakatakda sanang makipagkita si Barba sa isang tipster na siya umanong magsisiwalat sa operasyon ng iligal na droga bago nawala at natagpuang patay sa isang kanal.

May mga tama ito ng bala sa ulo at katawan.

Matapos nito ay natagpuan din ang bangkay ng informant malapit sa kanal kung saan nakita si Barba.

Si Barba ay Intelligence Officer II at nakatalaga bilang assistant provincial officer ng PDEA Camarines Norte Provincial Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?