27

Jul 31, 2021 @ 14:38
By

2 PBA game postponed

Dalawang laro ng PBA ang na-postpone ngayong weekend dahil sa health and safety protocols ng liga.

Isa sa mga na-postpone ang laro ng walang panalong Blackwater Bossing at Phoenix Super LPG ngayong Sabado ng hapon.

Hindi naman ibinunyag kung sino sa mga manlalaro ang nagpositibo sa COVID, bagamat tila mula ito sa panig ng Blackwater.

Ito ay dahil ang isa pa sa mga na-postpone ay ang laro ng San Miguel at Ginebra bukas.

Huling nakalaban ng San Miguel ang Blackwater.

Ngunit tuloy naman ang ibang laro, kung saan magbabakbakan ang Meralco at Alaska sa nag-iisang laban ngayong Sabado.

Samantala, mula triple-header ay dalawa na lamang ang laro sa Linggo kung saan salpukang Rain or Shine – Terrafirma ang masasaksihan sa first game na susundan ng TNT kontra Phoenix. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?