5
abante-tnt-vismin-new-jersey-accident

2 patay sa sumalpok na school bus sa New Jersey

Sharing is caring!

Isang estudyante at guro ang nasawi habang 43 pa ang sugatan nang sumalpok ang sinasakyan nilang school bus sa dump truck sa New Jersey nitong Huwebes.

Nahati ang sinasakyang bus ng mga batang estudyante na nasa field trip.

Alas-10:20 ng umaga naganap ang aksidente sa Mount Olive Township sa Morris County.

Nasa 38 estudyante umano ng East Brook Middle School at pitong adults, kabilang na ang driver, ang sakay ng bus.

Ilan umano sa mga pasyente ay nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang New Jersey State Police at Morris County prosecutor’s office hinggil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?