200

Jan 2, 2018 @ 9:51
By

2 patay sa pagsalubong ng taon sa Batangas

Mahigit dalawang oras matapos ang Bagong Taon, dalawa kaagad ang napatalang patay dahil sa karahasan sa Laurel, Batangas.

Batay sa report ng Laurel police, bandang alas-dos ng madaling araw, galing sa inuman ang magkaibigang sina Joel Macatangay y delos Santos, 45 anyos at isang kinilala lamang sa pangalang Bay, kapwa residente ng Barangay Buso-Buso, ng habang nasa daan ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa.

Dahil dito, sinaksak umano ni Bay si Macatangay.

Agad isinugod sa ospital ang biktima subalit idineklata itong dead on arrival ng doktor.

Agad ding tumakas ang suspek na hinabol naman ng mga pulis sa follow operation.

Nang masukol ito, sinugod nito ng saksak ang mga awtoridad nagbunsod upang barilin ito ng mga pulis.

Nasawi rin ang suspek bago pa man mairating sa ospital. (Ronilo Dagos)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?