0
views

By

2 patay sa nag-overtake na mini bus sa Cebu

Sharing is caring!

Dalawa katao ang nasawi sa aksidenteng kinasangkutan ng isang tricycle at dalawang mini bus sa Barangay Magay, Compostela sa Cebu, kaninang umaga.

Ayon sa report, papasok ng kanilang trabaho ang limang sakay ng tricycle nang salpukin ito ng nakasalubong na mini bus na papunta sanang Cebu City, alas-singko ng umaga.

Tumilapon ang dalawang pasahero ng tricycle at nasagasaan pa ang mga ito ng isa pang kasunod na mini bus dahil sa lakas ng pagkabundol.

Dead on the spot sina Eje Rose Halipa at Mary Grace Tali habang naisugod sa ospital sina Wellaflor Mollena, Evangeline Davidon, Sherry Mae Moreno at ang driver ng tricycle na si Michael Francisco.

Lumabas sa ginawang imbestigasyon na mabilis umano ang takbo ng unang mini bus.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang kakaharapin ng drivers ng dalawang mini bus na hindi pa batid ang pagkakakilanlan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?