226

Dec 16, 2017 @ 13:19

2 patay sa lindol sa Indonesia

Dalawa ang patay habang pito ang sugatan matapos yanigin ng malakas na lindol ang Java Island sa Indonesia.

6.5 magnitude na lindol ang tumama sa Cipatujah, kanlurang bahagi ng Java, ayon sa US Geological Survey.

Nakaramdam din ng pagyanig sa mga siyudad ng Bandung.

Isang tsunami alert naman ang ipinalabas matapos ng lindol na naitala alas-11:47 ng gabi ng Indonesian authority.

Na-trap ng gumuhong mga bato ng gusali ang dalawang biktima na ang isa ay mula sa Ciamis, sa kanluran ng Indonesia; habang ang isa ay taga-Pekalongan sa Central Java, ayon sa emergency officials.

Marami namang residente ang lumikas dahil sa pangamba ng tsunami.

Nagpatuloy naman umano ang mga aftershocks sa mga lugar na tinamaan ng lindol, dagdag pa ng emergency officials.

Ilang ospital din ang nasira dahil sa pag-uga kung saan inilikas na ang mga pasyente nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?