83

Mar 16, 2020 @ 22:53
By

2 patay sa COVID-19 sa Makati

Kinumpirma ng Makati City government nitong Marso 16 na 14 katao ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, dalawa rito ay namatay na.

“As of this press conference, the total number of COVID-19-positive in Makati City is 14. Dalawa na ang namatay,” ani Makati City Mayor Abby Binay nitong Lunes, Marso 16.

Nagmula aniya ang impormasyon sa Department of Health.

Sa kabila nito, siniguro ng alkalde na ang 52 residente ng Makati na kinokonsiderang persons under investigation at 34 persons under monitoring ay isasailalim sa quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?