200

Dec 7, 2017 @ 16:31
By

2 patay sa banggaan ng sasakyan sa Quezon

Patay ang dalawang katao matapos na magsalpukan ang dalawang sasakyan sa Atimonan, Quezon kaninang madaling-araw.

Sinabi ni Quezon Police Provincial Director Police Sr. Supt. Rhoderick Amamento, ala-1:30 ng madaling-araw kanina nang maganap ang aksidente sa Barangay Malinao Ibaba, Atimonan, Quezon.

Sa ulat ni Amamento, minamaneho ng isang Albert Riginio Caballero ang bus na AB Liner na may plate number EBX-203 patungo sa Bicol nang biglang nagtangkang mag-overtake ang motorsiklong sakay ang dalawang nasawing biktima at dahil dito nagkasalpukan ang dalawang sasakyan.

Naisugod pa sa Dona Martha Memorial District Hospital sa Quezon ang dalawang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa aksidente habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?