88

Jan 17, 2020 @ 15:17
By

2 patay sa banggaan ng jeep, truck sa NLEX

Patay ang dalawa katao matapos magsalpukan ang isang jeepney at delivery truck sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Barangay Tabuyuc, Apalit, Pampanga.

Kinilala ng Apalit police ang isa sa nasawi na jeepney driver na si Adel Guico, 42.

Hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima na pasahero.

Ayon sa inisyal na ulat, binabagtas ng delivery truck na Isuzu Wing Van ang northbound nang bigla itong huminto sa gilid ng kalsada dahil umano sa naglokong gear noong Enero 16.

Ilang minuto ang nakalipas, dumating ang jeepney na maaari umanong hindi nakakita ng early warning device sa naka-park na truck kaya tinamaan nito ang likod ng truck.

Hindi nasaktan ang driver ng truck na si Joel Reyes Bueno sa insidente.

Samantala, hindi pa batid kung kakasuhan ng mga pamilya ng mga biktima si Bueno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?