31
Jeep sinalpok ng trak; empleyada pisak
Feb 12, 2020 @ 14:18
By

2 patay sa aksidente sa daan sa Quezon

Dalawa ang patay kabilang ang isang 20-anyos na lalaki sa magkahiwalay na aksidente na kinasangkutan ng dalawang motorsiklo sa lalawigan ng Quezon noong Martes.

Sa bayan ng Tiaong, dead on the spot ang service crew ng isang fast food restaurant na si Nelson Dojo Manimtim nang makasalpukan ng minamanehong motorsiklo nito ang kasalubong na van sa Maharlika highway sa Barangay Lusacan pasado alas-7:00 ng gabi.

Nag-overtake umano sa isang sasakyan ang motorsiklo at hindi agad nakabalik sa linya kaya bumangga ito sa kasalubong na Nissan Largo van na minamaneho ni Edelito Ada Andaya.

Nagtamo ang biktima ng grabeng pinsala sa ulo at katawan na siyang agad ikinamatay nito.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang driver ng van.

Patay naman ang driver ng isang owner type jeep matapos na sumalpok ito sa isang motorsiklo at sa isang tindahan sa Barangay Villa Padua, sa bayan ng Lopez.

Idineklarang dead on arrival sa Gumaca District Hospital ang biktimang si Marino Orioste Sadsad, 55-anyos, dahil sa pinsala sa ulo.

Sugatan naman ang driver ng nakabanggaan nitong motorsiklo na si Philip Mañago Andal, 34-anyos.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng owner type jeep habang tinatahak nito ang Maharlika highway kaya inararo nito ang kasalubong na motorsiklo bago sumalpok sa tindahan na nasa gilid ng highway.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?