226

Dec 29, 2017 @ 9:31

2 patay nang pagbabarilin ng mga pulis ang isang AUV

Dalawa ang patay at dalawang ang nasa kritikal na kondisyon matapos pagbabarilin ng mga pulis ang isang sasakyan na sinasabing isang kaso ng mistaken identity sa Mandaluyong City Huwebes ng gabi.

Ayon kay Senior Supt. Moises Villaceran Jr., chief ng Mandaluyong Police, nagkamali ang mga pulis nang barilin ng mga ito ang isang AUV habang patungo ito sa isang ospital.

Isa sa dalawang napatay ay isang babae matapos pagbabarilin ng mga pulis ang sasakayan nito. Hindi pa pinangalanan ang babaeng biktima.

Bago ito, nabaril ang babae ng hindi pa nakikilalang salarin sa Freedom Park, Block 22 Extension dakong alas-10:15 ng gabi.

Sabi ni Villaceran, pinagbabaril ng mga police ang isang sasakyan matapos isumbong ng mga barangay tanods na sakay ng getaway vehicles ang mga suspek sa pagbaril sa babae.

“Tinamaan itong babae. Ang babae ikinarga diyan. Tapos habang tumatakbo, ang akala ng mga tanod ito ang bumaril, kaya ang ginawa nila hinabol nila, pinutukan. Pagdating ng pulis, ang akala ng pulis natin kasama ito sa mga bumaril doon, ‘yung tinuturo ng tanod,” Villaceran said.

Pitong katao ang sakay ng AUV na patungo noon sa ospital nang pagbabarilin ng mga pulis.

Tatlo sa pitong sakay na hindi tinamaan ng bala ay nasa kustodiya na ng mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?