124

Feb 7, 2018 @ 13:08

2 patay, higit 200 sugatan sa lindol sa Taiwan

Kumitil ng dalawa habang mahigit 200 ang sugatan sa nangyaring pagyanig ng 6.4 magnitude na lindol sa Taiwan.

Nagresulta ito ng pagguho ng hotel at residential buildings kung saan na-trap ang ilang katao sa siyudad ng Hualien, ayon sa national fire agency.

Lima pang gusali kabilang ang isang ospital ang nawasak din habang nagkalat ang mga tipak ng debris sa mga kalye at nabitak ang ilang highways pati na tulay.

Matinding tinamaan ang 10-storey Marshal Hotel na tumagilid, kung saan kinailangang gumamit ang rescuers ng cranes para mailabas ang mga na-trap na tao na nasa itaas na palapag ng naturang gusali.

“It’s the biggest quake I’ve experienced in Hualien in more than 10 years,” ayon sa isang residente na si Blue Hsu sa AFP.

Isa sa kilalang puntahan ng mga turista ang Hualien na malapit sa popular na Taroko Gorge. (AFP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?