950
views
tripolds

2 patay dahil sa nag-overtake na sasakyan sa CamSur

Sharing is caring!

Dalawa ang nasawi sa nangyaring aksidente sa Libmanan, Camarines Sur nitong Martes ng madaling-araw.

Nagsimula ang insidente sa pag-overtake ng isang Toyota Avanza na papuntang Naga sa isang Ford Everest pero nakasalubong nito ang isang Tripolds Bus na papunta namang Maynila.

Nang kumanan ang bus, dumating naman ang Philtranco Bus kaya naipit ng dalawa ang Ford.

Naisugod ang limang sakay ng Ford sa ospital pero idineklarang dead on arrival si Leoncia Mangarin, 58, principal ng pampublikong elementarya sa Libmanan.

Naisugod din sa ospital ang mag-asawang sakay ng Avanza na isang Swiss national at isang Pinoy.

Sugatan ang banyaga habang namatay sa ospital ang asawa nitong si Ronel Peña.

Masuwerte namang nakaligtas ang siyam na buwang gulang na anak ng mag-asawa.

Samantala, pinaghahanap na sa ngayon ang driver ng Tripolds Bus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?