45

Jul 22, 2021 @ 22:29
By

2 patay, 3 sugatan nang tamaan ng kidlat

Kalunos-lunos ang sinapit ng dalawang lalaki sa Pinili, Ilocos Norte matapos silang tamaan ng kidlat nitong Huwebes habang nagtatanim ng palay.

Hindi na ibinulgar pa ang pangalan ng mga nasawi ngunit ang isa ay 15 anyos habang 35-anyos naman ang isa.

Ayon sa ulat, nagtatanim ng palay ang mga biktima kasama ang tatlo pang kalalakihan ng tamaan sila ng kidlat.

Naisugod pa silang lima sa pagamutan kung saan na nasawi ang dalawa, habang ang tatlo pa ay kasalukuyang ginagamot.

Nagtamo umano ng sugat sa mukha, dibdib at tiyan ang mga nasawi.

Kasama ang Ilocos Norte sa mga lugar sa bansa na ngayo’y nakakaranas ng masamang panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?