313

May 5, 2019 @ 13:31
By

2 patay, 2 nawawala sa outing sa Northern Samar

Dalawa ang patay sa pagkalunod habang dalawa pa ang nawawala matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig sa kasarapan ng kanilang outing at reunion ng magkakaklase sa college sa Barangay Cabatuan, Palapag, Northern Samar, kamakalawa ng umaga.

Batay sa report, nakilala ang mga nasawi na sina Artemio Mejos, 27-anyos, guro sa Naparasan Elementary School, Mapanas at James Dulay, 30-anyos at empleyado ng lokal na pamahalan ng Laoang, Northern Samar.

Natagpuan ang dalawa na lumulutang sa dagat malapit sa mabatong bahagi ng pinagliguang Cabatuan beach.

Habang nawawala pa sina Reynalda Adora, 30-anyos, guro ng Bliss Montessori sa San Andres, Manila at Leonard Adarayan, 32-anyos, guro ng Pamplona Elementary School Unit I sa Las Piñas City.

Ayon sa report, naganap ang insidente bandang 9:00 Biyernes ng umaga nang magkaayaang mag-reunion ang apat na magkakaibigan noong college at nagpunta sa Northern Samar.

Ayon kay Police Staff Sergeant Edmark Calda ng Palapag Police Station, naligo ang magka-kaibigan sa isolated na bahagi ng beach at sa gitna ng pagsu-swimming ay tinamaan sila ng malaking alon at malakas na current na naging dahilan ng paghihiwalay ng apat.

Kasalukuyang pinaghahanap pa ang dalawang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?