21
army3

2 patay, 10 sugatan sa sagupaan ng 2 grupo sa Sulu

Sharing is caring!

Sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng dalawang armadong grupo sa Sulu noong Linggo.

Dalawa ang nasawi rito habang 10 katao ang nasugatan.

Ayon sa report, isa sa nasawi sa Brgy. Bualo, Maimbung ay si Maming Mudjasan, dating commander ng Moro National Liberation Front.

Kinilala ang isa pang nasawi na si Jubilun Sampu.

Nagsimula ang sagupaan sa pagitan ng grupo nina Maimbung Vice Mayor Musjasan Pando at Imal Matarol, kapatid ni Councilor Abubakar Tan dakong alas-siyete ng gabi.

Samantala, kasalukuyan pang iniimbestigahan ang insidente sa ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?