402
2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Edsa
By

2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Edsa

Patay ang isang businessman at ang kaniyang driver habang sugatan naman ang isang pasahero sa insidente ng pamamaril sa southbound lane ng Edsa malapit sa Reliance Street sa Mandaluyong City, Linggo, Pebrero 17 ng hapon.

Ayon sa report ng Inquier.net, mga hindi pa nakikilalang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang lumapit umano sa isang puting Toyoto HiAce van na siyang sinasakyan ng mga biktima at pinagbabaril ang kanang bahagi ng backseat window nito, saad ni Senior Supt. Moises Villaceran Jr., hepe ng Mandaluyong City Police Station.

Basag ang salamin ng bintana sa bandang backseat ng van habang makikita naman ang dalawang butas na gawa ng bala sa bintana ng passenger seat.

Ang mga biktima ay dinala sa VRP Medical Center sa tapat mismo kung saan tumigil ang van.

Ayon kay Villaceran, ang driver ng van na si Allan Romer Santos, at ang businessman mula Alabang Muntinlupa na si Jose Luis Yulo ay agad na namatay matapos ang pamamaril.

Samantala ang 38-anyos na si Esmeralda Ignacio ay nakaligtas.

Ayon sa Metro Manila Development Authority ganap na 3:23 ng hapon nang maganap ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?