93

Feb 20, 2020 @ 11:59
By

2 pasahero sa Japan cruise ship, patay sa coronavirus

Naitala ang dalawang kaso ng pagkamatay sa Diamond Princess cruise ship, na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Ayon sa report ng NHK, dalawang pasahero sa nasabing cruise ship kung saan 620 katao ang na-infect ng novel coronavirus ang nasawi matapos ang dalawang linggong quarantine period.

Saad pa sa report, ang dalawang pasahero ay isang babae at lalaki na nasa edad 80.

Sa nasabing barko, 3,700 katao ang naka-quarantine, habang 530 dito ay mga Pinoy kung saan 27 na ang naapektuhan ng COVID-19.

Samantala, 500 pasahero ang nakatakdang palabasin na sa cruise ship ngayong Huwebes matapos ang quarantine period na nagsimula noong February 3, 100 katao naman ang sasakay sa chartered flight pabalik sa kani-kanilang bansa.

Nitong Miyerkoles ay nagpalabas na rin ng pasahero sa Diamond Princess para sa mga nagnegatibo sa coronavirus.

Samantala, mananatili ang mga nagpositibo sa COVID-19 pati na rin ang mga crew sa barko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?