54

Dec 28, 2019 @ 14:51
By

2 pares ng magkasintahan ikinasal sa kulungan

Kapwa nagpalitan ng “I do” sa loob ng bilangguan ang dalawang pares ng magsing-irog na lahat ay nahaharap sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Nagkaroon ng kulay ang buhay sa loob ng Mandaue City Jail nina Randy, 40, at Joan, 35; at Joel, 35, at Myrna, 25, nang ikasal sila sa ginanap na simpleng seremonya matapos ang Pasko, Disyembre 26, ayon sa Inquirer report.

Pinangunahan ito ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes.

May isang anak na sina Randy at Joan (hindi nila tunay na pangalan).

Nasa pangangalaga ang bata ng mga magulang ni Joan habang sina Joel at Myrna naman ay may tatlo nang anak na nasa mga magulang ng huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?