13

By

2 pares ng kabayo, pasikatan sa Manila Turf Club

Sharing is caring!

Magandang panoorin sa Miyerkoles, Marso 14 ng gabi ang labanan ng dalawang coupled entries sa Metro Manila Turf Club sa Tanauan-Malvar, Batangas.

Dalawang magkakamping kabayo kontra sa dalawa ring magkakampi ang magpapasikatan sa karerahan ng kabayo sa nabanggit na lugar.

Ito ay mangyayari sa ikaapat na karera na isang Group-4/5 merged na siyang pinakamataas na grupong maglalaban.

Ang magkakamping kabayo ni Antonio V. Tan Jr., ay sina Gintong Lawin na dadalhin ni Pat Dilema at Lucky Toni na rerendahan naman ni Albert B. Serios.

Ang mga pamato naman ni Atty. Narciso O. Morales ay sina Honeywersmypants na papatungan ni Esmael P. Nahilat at Rain Rain Go Away na sasakyan ni Jonathan B. Hernandez.

Ang iba pang mga aarangkada ay sina Whatzap ni Oneal P. Cortez, Real Flames ni Jomel Lazaro, Lucky Nine ni K.B. Abobo, Wild Talk ni E.L. Blancaflor at Security Harbour ni M.M. Gonzales.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?