58

Jul 15, 2019 @ 19:17
By

2 parak patay sa engkuwentro sa Camarines Sur

Nasawi sa pakikipagbakbakan sa mga rebelde ang dalawang pulis sa Camarines Sur, Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Patrolman Prince Lagdameo at Police Master Sgt. Sotero Javier.

Tumagal ng 20-minuto ang engkuwentro nila laban sa mga miyembro ng communist-terrorist group sa bayan ng Bato dakong alas-singko ng madaling-araw.

Nasa 18 na rebelde umano ang nakasagupa ng puwersa ng pulisya sa Barangay Payak.

Naitakbo pa sina Lagdameo at Javier, na kapwa mga miyembro ng second platoon ng Camarines Sur Provincial Mobile Force Company, sa Medical Mission Group Hospital sa Nabua pero dineklarang dead on arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?