318

Dec 27, 2017 @ 15:51
By

2 parak na iligal na nagpaputok ng baril, sinibak

Sinibak na sa puwesto at nanganganib pang masibak sa serbisyo ang dalawang pulis na naaresto dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril.

Kinilala ang mga ito na sina PO1 Martin Jay Pagulayan, isang pulis-Maynila; at PO1 Arnold Gabriel Sabillo, isang pulis-Rizal.

Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Vimelee Madrid, tinanggalan na ng tsapa at dinisarmahan na rin ang nasabing mga pulis.

Sinabi ni NCRPO Chief Police Directo Oscar Albayalde na oras na mapatunayang walang rason ang pagpapaputok ng baril ng mga dawit na pulis ay agad masisibak sa serbisyo ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?