28

Sep 9, 2021 @ 17:05
By

2 parak na binoga mangingisda pinasisibak

Inirekomenda ng Internal Affairs Service (IAS) ng PNP na tanggalin sa serbisyo ang dalawang pulis na dawit sa pamamaril ng isang mangingisda sa Agusan Del Norte noong Hulyo.

Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon ng IAS na sinadyang patayin nina Police Senior Master Sergeant Rizyl Torricer at Patrolman Ariel Jay Panes ang biktimang si Ikiel Kintanar.

Pinadala na umano ng IAS sa Directorate for Personnel and Records Management ang kanilang rekomendasyon.

Nangyari umano ang krimen sa baybayin ng Cabadbaran City noong Hulyo 10.

Nasa gitna umano ng pagpapatrol ang dalawang pulis nang pakiusapan nila si Kintanar na pahintuin ang kanyang bangka ngunit lalo pa umano nitong pinaandar ang sasakyang-pandagat.

Imbis umano na warning shot, ang mangingisda ang binaril ng dalawang pulis, na nahaharap ngayon sa kasong murder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?