31

Nov 24, 2021 @ 21:42
By

2 pang bagyo hahabol bago mag-2022

Isa o dalawa pang tropical cyclone ang posibleng pumasok sa Disyembre 2021.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, ang mga namumuong bagyo tuwing Disyembre ay kadalasang nagla-landfall o tatawid sa Visayas o Mindanao.

Gayunpaman, kahit walang bagyo, magpapaulan din ang mga sama ng panahon na palalakasin ng La Niña tulad ng intertropical convergence zone o ITCZ, low pressure area, northeast monsoon o amihan at tail-end of the frontal system.

80 porsiyento naman ang tsansa na magpatuloy ang La Niña sa unang quarter ng 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?