112
rodrigo-duterte
Oct 6, 2017 @ 14:46

2 Palace officials sinibak ni Duterte

Dalawang opisyal ng Malacanang ang tinanggal sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa “influence peddling” o pagyayabang  umano na  malakas  sila sa Palasyo.

Sinabi  ng  Pangulo na  nilagdaan na  niya  noong  Huwebes  ang pagsibak sa dalawang  opisyal subalit  hindi pinangalanan  ang  mga  ito.

Katwiran ng  Presidente, ikinunsidera  niya  ang  kahihiyang  posibleng idulot sa mga  anak ng   dalawang  opisyal lalo pa at  professional na ang  mga  ito.

Sinabi ni Pangulong  Duterte  na  kinausap  muna  niya  ang  dalawang  opisyal  at pinagbitiw  na  lang  sa  puwesto matapos  makarating sa  kanya  ang  reklamong inaabuso  ang  kanilang  impluwensiya.

“Una  sabi ko walang  corruption,and  I am fighting  it. I even fired today…i signed ..firing  two people  from Malacanang  for  using  their  influence. Kung  ano -anong  pinagsasabi sa  labas  na  “malakas”..I hate  that. I have  fired so many. Hindi ko na  ina-announce po kasi, i said  in fairness  to the  family..ang  iba kasi tapos  na  yang  mga  anak nila mga  duktor na, may mga abugado mapahiya. Sabi ko mag-resign ka  na  lang , ayaw  ko ng  publicity , out  of  respeto sa  mga  anak na  hindi naman kasali diyan;” ang  pahayag  ng Pangulo.

Ang  dalawang  hindi pinangalanang  opisyal  ang  bagong  nadagdag sa  listahan ng  mga  opisyal at appointees na  sinibak ni Pangulong  Duterte  dahil sa  isyu  ng  katiwalian. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?