196

Dec 25, 2018 @ 22:44
By

2 paksyon ng MILF nagbakbakan, 4 tumba

Nagresulta ng pagkasawi ng apat na katao ang engkuwentro sa pagitan ng dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguindanao.

Ayon sa report, nangyari ang bakbakan sa Barangay Kaya-Kaya, bayan ng Datu Abdullah Sangki alas-nuwebe ng umaga noong Linggo.

Mga miyembro umano ng grupo nina Datu Item at Commander Bravo Lindungan ang apat na nasawi.

Kinilala ang dalawa sa mga ito na sina Kage Lasam at Saudi Endal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?