7

Feb 28, 2021 @ 10:39
By

2 pa sa Lucena ginupo ng virus

Pumalo na sa 64 kahapon ang bilang ng mga namatay sa Lungsod ng Lucena dahil sa COVID-19.

Batay sa local health authorities, dalawa pa ang kumpirmadong nasawi: isa mula sa Barangay Gulang-Gulang habang ang isa ay galing sa Barangay Cotta.

Ang dalawa ay ang pang-8 at pang-9 na coronavirus fatalities ng lungsod ngayong Pebrero.

Wala nang ibang detalyeng nilahad hinggil sa bagong mga yumao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?