79

Jun 3, 2019 @ 15:06
By

2 oras naghintay sa bagahe: Panelo imbiyerna sa airport

Nabuwisit si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa dalawang oras na ipinaghintay nito sa airport bago makuha ang kanyang mga bagahe.

Sinabi ni Panelo na dadalawa lamang ang gumaganang baggage carousel noong Sabado at sunod-sunod ang dumarating na flights kaya nagkaroon ng problema sa paglabas ng kanilang bagahe.

Tinawag na rin aniya nito ang pansin ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport at ni Transportation Secretary Arthur Tugade hinggill sa nangyari pati na rin ang hindi paggana ng air-conditioning unit sa buong paliparan.

“Carousels should be checked on a regular basis. It took us more than two hours to retrieve our luggages last Saturday.There was only one or two carousel functioning and there were four trips arriving simultaneously at the airport. Not only that, the air-condition was not functioning at all and there was no space to move because hundreds of passengers waiting for their baggage,” ani Panelo.

Si Panelo ay galing sa biyahe sa Japan at kasama sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Humingi na aniya ng paumanhin ni Tugade at inako ang responsibilidad sa naganap na kapalpakan sa airport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?