41

By

2 opisyal ng pulisya sinibak matapos ang misencounter sa Samar

Sharing is caring!

Inalis sa puwesto ang dalawang police officials na direktang nakakasakop sa naging operasyon ng mga tauhan ng 805th Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 8 na nag-operate sa Sta. Rita, Samar na nagresulta sa misencounter.

Iniutos mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde ang pagsibak sa dalawang police officer.

Ang mga ito ay sina Supt. Glen Oliver Cinco, officer-in-charge ng RMFB 8, at Chief Insp. Don Archie Suspeñe, commander ng 805th Mobile Company, RMFB 8.

Paliwanag ni Albayalde, inalis ang dalawa sa kanilang puwesto upang hindi maimpluwensyahan ang ginagawang imbestigasyon ng Armed Forces of the Philippines at PNP sa pangyayari.

Si Suspeñe ang opisyal na nanguna sa mga pulis nang magsagawa ng pagpapatrolya sa bahagi ng Sta. Rita noong umaga ng Lunes na pinagbabaril ng mga tauhan ng Philippine Army na ilang araw nang nagsasagawa ng combat operation sa lugar.

Kahapon, tumungo sa Samar ang mga miyembro ng binuong board of inquiry ng PNP upang simulan ang imbestigasyon sa naganap na misencounter. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?