100

Oct 3, 2017 @ 16:41

2 opisyal ng Ombudsman kinasuhan ng graft

Sinampahan ng magkahiwalay na kasong administratibo sa Office of the President sina Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang at Deputy Ombudsman for Mindanao Rodolfo Elman.

Ang reklamo ay inihain kahapon ng umaga ng dalawang grupo ng mga abugado na pinangunahan nina Atty. Manuelito Luna at Atty. Eligio Mallari at Atty. Jing Paras at Atty. Glen Chong.

Bukod sa graft and corruption, kinasuhan din ang dalawa ng kasong betrayal of public trust at paglabag sa civil service code.
Kahalintulad ding reklamo laban kay Carandang at Elman ang isinampa nina Atty. Luna at Atty. Mallari.

Batay sa parehong reklamo, lumabag umano sa Code of Ehtical Standards sina Carandang at Elman dahil sa paglalabas ng umanoy bank records ng account ni Pangulong Rodirgo Duterte na nagmula umano sa Anti Money Laundering Council o AMLC.

Ayon sa mga abogado, malinaw na paglabag sa rules and regulations ng Ombudsman sa mga ginagawang imbestigasyon ang ginawa ng dalawang opisyal.

Naniniwala ang dalawang grupo ng mga abogado na malakas ang kanilang kaso lalo pa at itinanggi na ng AMLC na nagpalabas sila ng bank records ng Pangulo na siyang ginamit sa Ombudsman ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ang Overall Ombudsman at mga Deputy Ombudsman ay nasa supervison at control ng Office of the President kaya kasama sa reklamo ang pagtanggal sa kanila sa pwesto.

“Yung office of the president ay binigyan ng batas ng poder para disiplinahin itong mga lower rank officials including the deputy ombudsmen and the special prosecutors,” ang pahayag ni Luna.

Kung mapapatunayang nagkasala sa kasong administratibo sina Carandang at Elman, pagsibak sa puwesto ang naghihintay na parusa sa mga ito dahil nagpagamit umano sa mga kumakalaban sa administrasyon sa pangunguna ni Trillanes.

Ayon ka Luna, posibleng pag isahin na lamang nila nina atty. Paras ang kanilang reklamo laban.kina Carandang at Elma.

Itinanggi naman ni Paras na inutusan sila ni Pangulong duterte na kasuhan si Carandang, bagkus ay sariling palo aniya nila ito, bilang adbokasiya laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?