108
60-anyos na negosyante patay sa pamamaril sa Digos
By

2 opisyal ng BOC niratrat sa Makati

Sugatan ang dalawang babaeng opisyal ng Bureau of Customs (BOC) habang nakaligtas ang isa nilang kasama matapos pagbabarilin ng apat na armadong lalaki sa Barangay Magallanes, Makati City.

Agad naisugod sa Makati City Medical Center ang dalawang biktima na sina Maricon Manalo, 56, officer-in-charge ng Formal Entry Division; at Marietta Lasac, 60, principal appraiser, matapos makahingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Nasa ligtas na kalagayan ang staff ni Manalo na si Cherelene Salazar, nasa hustong gulang, na nakaupo sa likuran ng kotseng minamaneho ng una.

Base sa isinumiteng report ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, sakay ng isang grey na Toyota Altis na may plakang DAH-4106 ang mga biktima at tinatahak ang kahabaan ng Lapu-Lapu Avenue dakong alas-8:30 ng gabi (Agosto 16) nang harangin sila ng isang hindi pa tukoy na uri ng kotse pagdating sa kanto ng Victoria St., Barangay Magallanes.

Bumaba ang apat na armadong lalaki at pinalibutan ang kotse ng mga biktima bago inutusan silang bumaba habang pinupuwersang buksan ang pintuan sa driver’s seat.

Nang tumangging bumaba ang mga biktima, binasag ng isa sa mga suspek ang salamin sa gawing harapan ng driver’s seat kaya’t sa kabila ng takot, nagawang patakbuhin ni Manalo nang paatras ang kotse upang takasan ang mga suspek.

Dito na sila pinaulanan ng bala ng mga suspek kung saan tinamaan kaagad si Lasac sa katawan habang sa kaliwang daliri naman nahagip si Manalo na patuloy sa pagmamaneho hanggang sa tuluyang tumakas ang mga salarin matapos silang makahingi ng tulong sa mga barangay.

Samantala, nakuha naman ng mga imbestigador sa pinangyarihan ng insidente ang pitong basyo at apat na bala habang nakuha naman ng mga opisyal ng barangay ang 18 pang basyo ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng mga baril na kanilang ibinigay sa pulisya.

Ayon naman kay Police Major Gideon Ines, Deputy Police Chief for Operation, patuloy pa ang kanilang pagsisiyasat sa pakikipagtulungan ng mga intelligence officer ng BOC habang nagsasagawa na rin sila ng follow-up operation upang makilala at madakip ang mga salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?