By

2 OFW nasunog habang natutulog sa Saudi

Sharing is caring!

Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Jeddah ang pagkasawi sa sunog ng dalawang overseas Filipino workers (OFWs) sa isang construction site sa Saudi Arabia.

Ayon kay Consul General Edgar Badajoz, ang mga biktima ay nabatid na natutulog nang masunog ang sleeping quarters nito sa Najran province, may 60 kilometro mula sa jobsite ng pinaglilingkuran nitong contractor ng mga road project.

Hindi pa pinangalanan ang mga Pinoy worker na pawang mga heavy equiptment operator habang hindi pa naipapa-alam ang nangyari sa mga kamag-anak nito.

Nangyari ang sunog 10:00 ng gabi nitong Linggo sa Saudi Arabia.

Base sa inisyal na impormasyon na nakuha ng konsulada, posibleng “faulty electrical wiring” ang sanhi ng sunog.

Nagpadala na ng kinatawan ang konsulada sa lugar upang makipag-ugnayan sa employer para sa maiuwi ang labi ng mga biktima at matiyak ang benepisyo na dapat nitong matanggap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?