114

Jul 28, 2018 @ 11:13
By

2 obrero nagpayabangan sa trabaho, 1 patay

Arestado ang isang 32-anyos na obrerong sangkot sa pagpatay sa 65-anyos na steelman habang nag-iinuman noong Miyerkoles ng gabi sa loob ng Mild Stone Aggregate Batching Plant, Brgy. Platero, Gen. Mamerto Natividad, Nueva Ecija.

Sa ulat ni P/Sr. Insp. Benedict Lagmay, nakilala ang salarin na si Joel Quicho, 32, residente ng Brgy. Caanawaan, San Jose City, na nakapatay kay Rodolfo Dela Cruz Suyat, residente ng Brgy. Siclong, Laur, Nueva Ecija.

Nabatid na dakong alas-10:25 ng gabi, kasama ng dalawa si Robert Naron na nag-iinuman nang mapadako ang usapan sa husay sa kanilang mga trabaho.

Tumindi umano ang pagtatalo nina Suyat at Quicho na humantong sa suntukan.

Pinapayapa ni Naron ang dalawa hanggang nakakuha ng kitchen knife si Quicho na ginamit sa pananaksak kay Suyat na namatay noon din.

Tumakas si Quicho subalit nasundan at naaresto nila Lagmay sa pinagtaguan nito sa Brgy. Caanawan, San Jose City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?